The Madonna of the Streets
Mary's Rosaries

Home Page

Contact Us

Make a Payment, Methods of Payment, Refund and Exchange Policies

Rosaries
subpages:

How to Pray the Rosary
subpages:

Pictures Main Page
subpages:

Curriculum
subpages:

Website Terms of Use

License Agreement

Sitemap


The Work of God's Children

 Filipino Rosary Prayers
This language is also known as the national language of the Philippines.  The Philippine archipelago consists of 7,107 islands.

See also The Work of God's Children page for the illustrated version of prayers in this language.

ANG PAG-ANTANDA NG KRUS
The Sign of the Cross
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.  Amen.

ANG SUMASAMPALATAYA
The Apostles'Creed
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.  Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.  Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santang Mariang Birhen.  Ipinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing.  Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.  Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.  Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.  Doon magmumula’t paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.  Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga santo, sa kapatawaran ng mga kasalanan; at sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.  Amen.

AMA NAMIN
The Lord’s Prayer
     Ama namin sumasalangit ka.  Sambahin ang ngalan mo.  Mapasaamin ang Kaharian Mo.  Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. 
    
     Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw.  At patawarin Mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.  At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.  At iadya mo kami sa lahat ng masama.  Amen.

ABA GINOONG MARIA
Hail Mary
( Hail Mary )  Aba Ginoong Maria , napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.
( Holy Mary )  Santa Maria Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay.  Amen.

LUWALHATI
Glory Be

Luwalhati sa Ama, sa Anak, sa Espiritu Santo.  Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang-hanggan.  Amen.

PANALANGIN NG FATIMA
Fatima Prayer
O Jesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalong-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong awa.

ABA PO, SANTA MARIANG BIRHEN
Hail Holy Queen
Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka naming ikaw nga ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eva.  Ikaw rin ang pinagbubuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis.  Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus.  Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
    
     Ipanalangin mo kami Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo. 
Nang kami’y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Jesukristo.

MANALANGIN TAYO
Let Us Pray
   O Diyos, na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay, at pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan, ipagkaloob mo, isinasamo namin na sa pagninilay-nilay nitong mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng Pinagpalang Birhen Maria, matularan namin ang kanilang nilalaman , at makamtan namin ang kanilang ipinangangako.  Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.  Amen.

MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO
The Mysteries of the Holy Rosary

MGA MISTERYO NG TUWA / The Joyful Mysteries
Ang Pagbabalita ng Anghel sa Mahal na Birhen
Ang Pagdalaw ng Birheng Maria kay Sta. Isabel
Ang Pagsilang sa Daigdig ng Panginoong Jesukristo
Ang Paghahandog kay Jesus sa Templo
Ang Pagkatagpo kay Jesus sa Templo ng Jerusalem

MGA MISTERYO NG LIWANAG / The Luminous Mysteries
Ang Pagbibinyag kay Kristo
Ang Kasalan sa Cana
Ang Pagpapahayag ng Paghahari ng Diyos
Ang Pagbabagong Anyo ni Kristo
Ang Pagtatatag  ng Eukaristiya

MGA MISTERYO NG HAPIS / The Sorrowful Mysteries
Ang Paghihirap ng Panginoon sa Halamanan ng Getsemane
Ang Paghampas kay Jesus na Nagagapos sa Haliging Bato
Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik  kay Jesus
Ang Pagpasan ng Krus
Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Jesus sa Krus

MGA MISTERYO NG LUWALHATI / The Glorious Mysteries
Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo
Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Jesukristo
Ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol
Ang Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen
Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen

Silent Night/Stille Nacht
Natanaw na sa Silangan
Ang Talang Patnubay
Nang gabing katahimikang
Ang Sanggol sa lupa'y isinilang
Ng Birheng matimtiman
Sa hamak na sabsaban
H-m-m-m-m ! H-m-m-m-m !
H-m-m-m-m ! H-m-m-m-m !
Tulog na, Oh Sanggol na hirang,
Ng Birheng matimtiman,
Ikaw ay aawitan.



Creative Commons License
The contents of this webpage are licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 License.
Valid HTML 4.01 Transitional
(this is the bottom of page)